Home METRO 2 mangingisda dedbol sa pagsabog sa pangingisda sa Pangasinan

2 mangingisda dedbol sa pagsabog sa pangingisda sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN, Philippines – Patay ang dalawang mangingisda habang isa pa ang nasugatan matapos ang isang pagsabog sa dagat ng Barangay Tambobong, Dasol, Pangasinan noong Agosto 1.

Ayon sa pulisya, bandang 3:30 p.m. nang marinig ng dalawang saksi ang malakas na pagsabog at nakita ang tatlong mangingisda na sugatan sa tubig.

Agad silang dinala sa Dasol Community Hospital, kung saan dalawa ang idineklarang patay. Ang ikatlong biktima ay patuloy na ginagamot.

Batay sa paunang imbestigasyon, gumagamit umano ang mga biktima ng improvised dynamite sa pangingisda.

Patuloy pa ang follow-up investigation ng mga awtoridad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here