CAVITE, Philippines – Dalawang lalaki ang naaresto ng pulisya makaraang maaktuhan ng nagpapatrolyang mga pulis na lumalabas sa isang abandonadang bahay sa Barangay Tanzang Luma 4, Imus City, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina alyas “Oky,” 32, residente ng San Jose del Monte City, Bulacan, at alyas “Jon,” 27, residente ng Barangay Mambog IV, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat ng Imus Component City Police Station (CCPS), bandang 4:30 ng hapon nagsasagawa ng routine patrol ang mga tauhan ng Sector 1 nang mapansin nila ang dalawang suspek na kagagaling lamang sa pag-akyat sa bakod ng nasabing bahay.
Napansin nito ng isa sa mga suspek na may bitbit na isang improvised firearm o paltik, habang ang kasama nito ay may dalang sako na naglalaman ng mga kable ng kuryente na hinihinalang ninakaw sa naturang bahay.
Dahil sa kahina-hinalang kilos ng dalawa, agad silang nilapitan at siniyasat ng mga awtoridad.
Batay sa isinagawang inspeksyon, nakumpiska mula sa unang suspek ang isang improvised firearm na yari sa steel pipe at may nakakargang isang live 12-gauge shotgun cartridge.
Sanatala sa ikalawang suspek naman nakuha ang isa pang live 12-gauge shotgun cartridgena nakasukbit sa katawan matapos kapkapan
Dito na hinimgan nga dokumento permit, o anumang papeles na ang dalawang lalaki na magpapatunay na nagbibigay sa kanila na magdala ng baril.
Nakatakdang sampahan ng kasng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Office of the City Prosecutor ng Imus City. MARGIE BAUTISTA