Home METRO Mekanino nanghiram ng barte, pinagbabaril sa hapar ng maraming tao

Mekanino nanghiram ng barte, pinagbabaril sa hapar ng maraming tao

31
0

CAVITE, Philippines – Isang mekaniko ang namatay makaraang pagbabarilin ng isang armadong.suspek habang nanghihiram ng bareta sa Zone 5, Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City.

Ayon sa report, Kinilala ang biktima na si alyas “Ramir”, 32-anyos, mekaniko at residente ng Bautista Property, Brgy. Sampaloc IV ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya sakay ang biktima ng kanyang Honda Click 150  upang manghiram ng bareta sa utos ng kanyang biyenan nang bigla umano siyang tambangan ng suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Matapos ang insidente  mabilis na tumakas ang suspek sa hindi pa malamang direksyon.

Batay sa ginawang imbestgasyon, Isang testigo ang agad lumutang at nagturo sa suspek, na umano’y responsable sa pamamaril.

Lumabas rin sa ibinigay na salaysay  ng asawa ng biktima na dati nang nagsabinsa kanya  ang mister na nakatatanggap ito ng mga pagbabanta sa buhay mula sa naturang suspek, na ngayon ay isa sa tinitingnang pangunahing suspek sa krimen.

Agad na dumating sa pinagyarihan ng krimen ang SOCO para sa isasagawang examination sa lugar.

Patulog rin ang back tracking sa.mga CCTV footage na posibleng pinagtataguan ng suspek  para sa manhunt operation at agaramg ikadarakip ng suspek habang Inaalam na rin ang motibo sa pamamaril sa biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here