Home NATIONWIDE Leviste, Paras ipinatawag ng NBI sa sinasabing planong idiin si Recto

Leviste, Paras ipinatawag ng NBI sa sinasabing planong idiin si Recto

1
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Rep. Jing Paras sa isang pagdinig sa Huwebes kaugnay ng umano’y planong idiin si Executive Secretary Ralph Recto.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag nitong Lunes na bibigyan ng due process ang dalawa habang tinutukoy ng mga imbestigador ang mga pangyayari at panahon ng umano’y sabwatan.

“I talked to regional director Atty. (Emeterio) Dongalo. He is sending it (subpoena) today, which I already signed last Friday but closed after office hours, so it will be sent today,” ani Matibag sa mga mamamahayag.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa entrapment operation noong nakaraang linggo na nagresulta sa pagkakaaresto kay talent manager Lito de Guzman at limang babaeng talent. Sinisilip din ng NBI ang mga ulat na may iba pang opisyal ng pamahalaan na posibleng pinuntirya.

“We’re looking into it, but maliwanag ngayon na si Executive Secretary Ralph Recto ang subject nila. We have to establish the time frame; that is why we are subpoenaing the persons mentioned by the personalities na nahuli natin,” ani Matibag.

Nakipag-ugnayan na umano si Recto sa NBI at “he will be sending his lawyers.”

“(I)f they will not attend, then we will have to deal with it accordingly kung ano yung ebidensya darating satin. Anyway, there is an admission and confession nung mga subjects that is why they are being subpoenaed,” aniya.

“Kung wala naman at nag-imbento lang ang mga taong ito, we are willing to help them prosecute these personalities,” dagdag niya.

Inakusahan ni De Guzman si Paras na kumontak sa kaniya upang kumuha ng apat na babae na gagawa umano ng maling salaysay laban kay Recto. Kapalit umano ng P5 milyon, pararatangan nilang pinilit sila ni Recto na makipagtalik at gumamit ng ilegal na droga.

Hinimok naman ni Palace Press Officer Claire Castro ang NBI na tukuyin ang lahat ng nasa likod ng umano’y plano. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here