Home METRO 12-anyos dedo sa jeep na nawalan ng preno sa Laguna

12-anyos dedo sa jeep na nawalan ng preno sa Laguna

3
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 12-anyos na estudyante matapos siyang araruhin at maipit sa pader ng isang bahay ng pampasaherong jeepney sa Pila, Laguna noong Biyernes, Hulyo 31.

Kinilala ng pulisya ang biktima na taga-Calauan, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, naghihintay ng masasakyan pauwi ang bata nang mawalan umano ng preno ang paparating na jeepney at araruhin siya. Kinaladkad ang biktima at naipit sa pader ng isang bahay dahilan upang agad siyang bawian ng buhay.

Sinabi ng may-ari ng bahay na inamin ng driver na biglang nawalan ng preno ang kaniyang sasakyan.

Dinala sa kustodiya ng Pila Municipal Police Station ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and property damage.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang mechanical condition ng jeepney upang matukoy kung may kapabayaang nagresulta sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here