Home ENTERTAINMENT Pagbabalik ni Vice sa Showtime, ‘di pa alam!

Pagbabalik ni Vice sa Showtime, ‘di pa alam!

22
0

Manila, Philippines – Suspensyon nga ba ang kaparusahan kay Vice Ganda sa pagho-host ng It’s Showtime?

“It’s not true!” mabilis na tugon ng isang may mataas na katungkulan sa noontime show.

The question popped out dahil ilang araw na nga namang hindi napapanood ang TV host-comedian sa nasabing show.

Ipinatawag ng MTRCB ang GMA at ABS-CBN, Zoe Broadcasting Network, Inc. at ALLTV dahil sa mga reklamong natanggap nila kaugnay ng Memerimar skit na umere nitong July 24.

Binugahan ng tubig ni Vice Ganda ang Baby Dolls member na si Johaira.

Bagama’t nag-public apology ang main host, kumilos pa din ang MTRCB.

Binigyan nito ng tsansang magpaliwanag ang mga network.

Ito’y alinsunod na din sa Presidential Decree No. 1986 at ng IRR.

Inatasan ng ahensya na magtalaga ng On-Air Compliance Officer para maiwasan ang paglabag sa ilang patakaran.

Sa tanong kung suspended nga ba si Vice Ganda, the answer is no.

Sa kasalukuyan, nasa bakasyon ito.

Pero walang detalye kung kailan ito babalik sa programa.

In a separate report, inamin ni Ogie Diaz na “bugbog-sarado” daw si Vice Ganda sa mga social media bashings.

Even Ogie–if he was Vice Ganda’s manager–would recommend that he take a break. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here