Home METRO Dalaga patay sa saksak matapos tumangging makipagbalikan sa ex

Dalaga patay sa saksak matapos tumangging makipagbalikan sa ex

3
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 21-anyos na dalaga matapos umano siyang saksakin ng kaniyang dating nobyo nang tumanggi itong makipagbalikan sa Barangay Poblacion, Sibonga, Cebu.

Ayon sa pulisya, sinaksak ng suspek sa leeg ang biktima gamit ang kutsilyo bago nito saktan ang sarili.

“Sinaksak din ng suspek ang kaniyang sarili sa leeg at dibdib,” ani PMaj. Michael Calaurian, officer-in-charge ng Sibonga police.

Information technology student ang biktima at umuupa ng boarding house sa Sibonga. College student din ang 21-anyos niyang dating nobyo.

Lumabas sa imbestigasyon na nais makipagbalikan ng suspek, ngunit tumanggi ang biktima.

Agad na binawian ng buhay ang dalaga, habang isinugod sa ospital ang suspek na nagpapagaling. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here