Home METRO Ina sugatan sa saksakan ng 2 anak sa Laoag

Ina sugatan sa saksakan ng 2 anak sa Laoag

4
0

ILOCOS NORTE – Sugatan at nabalian ng paa ang isang 74-anyos na ginang matapos umawat sa saksakan ng kaniyang dalawang anak sa Laoag City, Ilocos Norte, noong gabi ng Agosto 1.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang 39-anyos na anak at kinumpronta ang kaniyang ina habang nakahiga na ito sa kama.

Umawat ang 42-anyos na nakatatandang kapatid, ngunit nagalit sa kaniya ang nakababatang kapatid.

Kumuha ng cutter ang 39-anyos, habang kitchen knife naman ang hinawakan ng kaniyang kuya, dahilan upang magsaksakan ang dalawa.

Tinangka silang awatin ng kanilang ina, ngunit nadamay ito, nasugatan, at nabalian pa ng paa.

Naawat lamang ang magkapatid nang rumesponde ang kanilang mga kaanak.

Nagtamo ng saksak sa tagiliran at tiyan ang 42-anyos, habang nasugatan naman sa dibdib ang kaniyang 39-anyos na kapatid.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here