Home ENTERTAINMENT S*x toy ni Ellen, ginamit pangmasahe!

S*x toy ni Ellen, ginamit pangmasahe!

2
0

Manila, Philippines — Aminado si Ellen Adarna na noong kabataan niya ay isa siyang party girl.

Katunayan, mahilig daw siyang magwalwal noon kasama ang mga kaibigan.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, minsan daw ay na-wheelchair siya dala ng kalasingan.

Pero mula raw nang maging mom siya ay nagbago na ang kanyang mga prayoridad.

Sa kanyang edad, marami na rin daw siyang natutuhan sa kanyang pakikipagrelasyon sa iba’t ibang lalaki.

Siya rin daw iyong tipong hindi nag-i-stick sa isang lalaki kapag nakikita niyang wala siyang kinabukasan dito.

Hirit pa niya, maliban sa unang boyfriend, siya raw ang nakipaghiwalay sa kanyang mga naging dyowa.

Minsan na rin daw siyang na-bash at nasabihan ng kanyang detractors na losyang na o lawlaw na ang kanyang boobs.

Gayunpaman, keber na lang daw siya sa kanyang mga basher.

Minsan daw ay iti-treat niya ang sarili, pero dumating daw siya sa puntong gusto niyang panindigan ang pagiging single o celibate sa loob ng limang taon.

May mga nanliligaw o nagpaparamdam din daw naman sa kanya, pero hindi niya bet seryosohin ang mga ito.

Dagdag pa niya, may suitor daw siyang iniligaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling cellphone number.

Hindi rin niya ikinaila na niregaluhan siya ng kaibigang si Isabel Daza ng sex toy o dildo.

Hirit pa niya, hindi raw naman niya ito ginamit upang paligayahin ang kanyang sarili.

Bagkus, ginamit daw niya ito bilang pangmasahe kapag masakit ang kanyang ulo. (Archie Liao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here