Home ENTERTAINMENT Juday at Ryan, kumain sa karinderya, hinangaan!

Juday at Ryan, kumain sa karinderya, hinangaan!

2
0

Manila, Philippines — Wala ni katiting na kaartehan sa katawan ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na kumain sa isang karinderya sa Maynila.

Bale ba, talagang sinadya ng showbiz couple ang kainang iyon, na nasa boundary na rin ng Makati City.

Matatagpuan iyon sa Zobel Roxas, malapit sa Dian St.

Ang totoo, ang brother ni Ryan daw ang nakakain na roon.

Masarap daw ang mga tindang ulam doon, na matagal na palang balak puntahan ni Ryan.

This time nga’y kinaray na niya si Juday, whom he asked kung okey lang ba na roon sila kumain.

Palibhasa’y nag-aaral sa La Salle noong 1991, kaya pamilyar si Ryan sa area na iyon.

Dinadayo na talaga ng mga tao ang karinderyang itinayo noon pang 1971.

At doon na nga kumain ang mag-asawa, na nakipagkuwentuhan pa sa mga kapwa kostumer.

Lalo tuloy hinangaan ang couple dahil sa kasimplehan nila.

Imagine nga naman, the couple owns and manages their own resto, yet chooses to eat at a carinderia.

Namili rin sila ng panindang T-shirts, showing their support for small-scale businesses.

’Katuwa, ’di ba? (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here