Home HOME BANNER STORY Manhunt kay Sen. Dela Rosa, nagpapatuloy — NBI

Manhunt kay Sen. Dela Rosa, nagpapatuloy — NBI

3
0

MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng mga ulat na naaresto na umano siya, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Martes.

Nananatiling at large si Dela Rosa dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court kaugnay ng umano’y papel niya sa war on illegal drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“No. Not on our part,” sinabi ni Matibag sa Filipino nang tanungin tungkol sa napaulat na pagkakaaresto sa senador.

Sinabi rin ng abogado ni Dela Rosa na si Israelito Torreon na wala siyang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagkakadakip sa kanyang kliyente.

Ayon kay Torreon, wala na siyang komunikasyon kay Dela Rosa at huli silang nag-usap dalawang oras matapos tumakas ang senador mula sa gusali ng Senado noong Mayo 14. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here