Home METRO 3 NPA, patay sa engkuwentro sa Abra

3 NPA, patay sa engkuwentro sa Abra

2
0

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng New People’s Army ang napatay sa engkuwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra, nitong Martes, Agosto 4.

Sinabi ni Major Eduardo D. Rarugal Jr., spokesperson ng 5th Infantry Division na nakabase sa Gamu, Isabela, na nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng 50th Infantry (Defender) Battalion at 98th Infantry (Masinag) Battalion ang humigit-kumulang 10 armadong rebelde bandang alas-11:10 ng umaga habang nagsasagawa ng tuloy-tuloy na operasyong militar.

Narekober ng mga sundalo ang bangkay ng tatlong rebelde, kasama ang dalawang M16 rifle at isang M14 rifle.

Tinugis ng mga tropa ang natitirang mga rebelde na tumakas patungo sa mga kabundukan ng munisipalidad.

Naganap ang engkuwentro dalawang araw matapos ding magkasagupa ang mga tropa ng pamahalaan at NPA sa parehong barangay.

Isinailalim sa heightened alert ang militar sa Abra kasunod ng magkakasunod na sagupaan.

Hinimok ng lokal na pamahalaan at Philippine Army ang mga residente na manatiling mapagmatyag at agad ireport sa mga awtoridad ang kahina-hinalang tao o aktibidad habang nagpapatuloy ang security operations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here