Home HOME BANNER STORY OCD: Halos 42K apektado ng Bagyong Luis, Maymay at Habagat

OCD: Halos 42K apektado ng Bagyong Luis, Maymay at Habagat

2
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 42,000 indibidwal ang apektado ng pinagsanib na epekto ng Bagyong Luis at Maymay, kasama ang pinalakas na Habagat.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules, Agosto 5, may kabuuang 41,979 indibidwal o 12,432 pamilya ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Mayroon namang 5,818 indibidwal o 1,821 pamilya ang kasalukuyang tumutuloy sa 14 evacuation centers.

Wala pang kumpirmadong nasawi, nasaktan o nawawala dahil sa sama ng panahon.

Sa kabila nito ay mayroon namang isang bahay ang napaulat na nagtamo ng pinsala bagamat wala pang kabuuang halaga ng mga napinsalang imprastruktura o agrikultura. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here