MANILA, Philippines – Matapos mag-audit ng confidential at intelligence fund expenses ng mahigit 30 ahensya sa loob ng 10 taon, sinabi ni state auditor Roderick Wamil, sa panahon ni Vice President Sara Duterte ang unang pagkakataon na makakita siya ng ahensya na hindi nagpapasa ng official receipts at umaasa lamang sa acknowledgment receipts.
Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Duterte nitong Miyerkules, Agosto 5, tinanong ni Senator-judge Francis Pangilinan si Wamil tungkol sa kanyang testimonya na ang mga opisina ni Duterte na Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ay nagpasa ng mga acknowledgment receipt na hindi suportado ng mga dokumento na nagpapatunay ng pagbayad.
Ang AR ay mga dokumento na ibinigay sa Commission on Audit (COA) upang ipakita na ang mga pondo ay nakaabot sa intended beneficiaries na sa kaso ng OVP at DepEd ay mga confidential informants.
Pirmado ang mga dokumentong ito ng mga benepisyaryo na nagpapatunay na natanggap nila ang mga bayad, katulad ng kontrobersyal na pangalan na si Mary Grace Piattos na tinukoy ng prosekusyon bilang isang fictitious personality.
“In your experience auditing 30 agencies, can you say that your findings on OVP are similar or standard for other offices, or it usually happens that no official receipts and no sales invoices were provided for liquidation?” ani Pangilinan.

“Can you say that it is a standard practice of other agencies that you audited?”







