Home ENTERTAINMENT Reklamo ni Jasmine vs Topacio, ibinasura ng korte!

Reklamo ni Jasmine vs Topacio, ibinasura ng korte!

2
0

Manila, Philippines – Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Makati ang tatlong

reklamong inihain ni Jasmine Curtis-Smith laban kay Atty. Ferdinand Topacio.

Ito’y ang cyberlibel, cyber unjust vexation at gender-based online sexual harassment.

Sa resolusyon, sinabi ni Assistant City Prosecutor Eileen Abigail Piñera na walang sapat na prima facie evidence para ipursige ang mga kaso.

Hindi umano napatunayang ang mga pahayag ni Topacio ay ginawa para takutin, gipitin o sirain ang reputasyon ni Jasmine.

Bagama’t maaaring nakasakit ang mga komento, hindi nangangahulugang may batas na nilabag.

Hindi din sakop ng fair comment doctrine ang mga opinyong may kaugnayan sa mga usaping pampubliko at sa mga public figure maliban kung mapapatunayang may actual malice o may maling pahayag ng katotohanan.

Matatandaang nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Topacio sa kanyang radio program noong March 5, 2026.

Kabilang dito ang tungkol sa mga social media posts at bikini photos ni Jasmine, following the issue involving her sister Anne Curtis and Rep. Bong Suntay.

lapela kaya ito ni Jasmine?

Abangan ang susunod niyang hakbang! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here