Home NATIONWIDE Wala nang hadlang sa impeachment sa desisyon ng SC – Chua

Wala nang hadlang sa impeachment sa desisyon ng SC – Chua

3
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Wala nang pwedeng humadlang sa patuloy na paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court matapos idismiss ng Korte Suprema (SC) ang mga petisyong humahamon sa proseso ng House of Representatives sa kanyang impeachment, ayon kay House prosecutor Joel Chua.

Sa isang press conference sa Senado sinabi ni Chua na natanggap na ng prosecution team ang opisyal na pahayag ng SC na nagtatakda na “moot and academic” na ang mga isyung itinaas sa petisyon dahil natapos na ang proseso sa House of Representatives at naipasa na ang Articles of Impeachment sa Senado.

“The Supreme Court ruled that the issues raised in the petition had become moot and academic, or no longer required resolution,” ani Chua.

Ipinaliwanag ni Chua na hindi na maaaring gamitin ang mga petisyon para pigilan ang proseso na natapos na sa Kamara.

“Napakahalaga. Unang-una, at least makahinga na tayo na magtutuloy-tuloy na ito at wala nang magiging sagabal dito sa impeachment na ginagawa ngayon dito sa Senado,” reaksyon ni Chua sa ipinalabas na SC decision.

“Hindi na tayo kakaba-kaba na baka mamaya, bukas-makalawa, ay patitigilin tayo,” ani Chua.

“Ngayon ang usapin ay nandito na sa Senado kaya wala nang issue sa jurisdiction,” pagtatapos pa ni Chua. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here