Home TOP STORIES Resolusyon para kilalanin si Baterbonia, isinusulong sa Senado

Resolusyon para kilalanin si Baterbonia, isinusulong sa Senado

2
0

Naghain ng resolusyon sa Senado upang parangalan ang buhay, pamana at natatanging kontribusyon ni Rene Clert “Bobet” Baterbonia, na kinilala bilang inspirasyon sa mga kabataang atleta at pamilyang Pilipino.

Sa kanyang co-sponsorship speech, pinasalamatan ng isang senadora si Sen. Robinhood Padilla sa pagsusulong ng resolusyon para kay Baterbonia.

Ayon sa senadora, sumasalamin ang kuwento ni Bobet sa karanasan ng maraming Pilipinong nagsisikap na maiangat ang kanilang pamilya mula sa kahirapan sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, disiplina at marangal na pamamaraan.

“He proved that success is not determined by where you come from, but by the values you uphold, the sacrifices you make, and the determination to keep moving forward every day,” aniya.

Sinabi rin niyang nakalulungkot ang maagang pagpanaw ni Baterbonia dahil naputol ang isang buhay na nagsilbing inspirasyon sa marami.

Binigyang-diin niya na ang katotohanan at hustisya ay hindi dapat pili lamang, kundi pantay na ipinagkakaloob sa lahat, anuman ang estado sa buhay.

“Justice for Bobet is justice for every Filipino who believes that doing what is right should never become a disadvantage,” pahayag niya.

Aniya, ang pagkamit ng hustisya para kay Bobet ay para rin sa bawat batang nangangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan at sa bawat batang atleta na naniniwalang ang talento, disiplina at pagsisikap ang dapat magtakda ng kanilang kinabukasan.

Kinilala rin si Baterbonia hindi lamang bilang mahusay na atleta, kundi bilang mabuting anak, kapatid, kaibigan at kasapi ng komunidad.

Pinasalamatan naman ng senadora ang mga magulang ni Bobet na sina Rene at Rovelyn sa maayos na pagpapalaki sa kanilang anak.

“Kahit naging maiksi ang kanyang buhay, naging makabuluhan naman po ito. Isa kang tunay na inspirasyon sa mga kabataan at sa lahat ng mga Pilipino. Hindi ka namin malilimutan kailanman,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here