Manila, Philippines – Handa na ang isang bagong online entertainment show na siguradong pag-uusapan sa social media!
Guys, malapit nang ilunsad ang PinaSexy Challenge, isang exciting challenge series na magtatampok sa walong (8) kilalang social media personalities na magpapakitang-gilas sa iba’t ibang masaya, nakakakaba, at hindi inaasahang hamon.
Kabilang sa mga tampok na influencers sina Vannesa Raval, Queen Money, DJ Justine Joyce Dayag, Trixie Escosis, Tei Escosis, Aki Mitu, Nikkie Millares, at Eunice Andrea.
Haharap ang mga kalahok sa samu’t saring challenges na susubok sa kanilang diskarte, tapang, at personalidad.
Sabi ng dating Star Magic talent at direktor na si Kristel Moreno, “Bukod sa kompetisyon, asahan din ang mga nakakatawa at viral-worthy na eksena na tiyak na magpapasaya at magpapakilig sa mga manonood.”
Ayon sa production team, layunin ng PnaSexy Challenge na maghatid ng sariwa at kakaibang digital entertainment na puno ng saya, excitement, at mga hindi inaasahang pangyayari na magbibigay-aliw sa online audience.
Patuloy na ang paghahanda para sa opisyal na premiere ng programa.
Hinihikayat ang publiko na tutukan ang official social media pages ng PinaSexy Challenge para sa mga susunod na anunsyo tungkol sa petsa ng paglulunsad at iba pang updates. Love Camille