Home HOME BANNER STORY Overloading sa mga PUVs, ibinabala ng LTO

Overloading sa mga PUVs, ibinabala ng LTO

3
0

ILOILO, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Office-6 (LTO-6) sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) sa Western Visayas laban sa overloading matapos mag-viral ang video ng isang siksikang jeepney na biyaheng Lambunao, Iloilo, kung saan may mga pasaherong nakaupo pa sa bubong.

Ayon kay LTO-6 Director Gaudioso P. Geduspan II, nauunawaan nila ang hirap ng mga commuter, ngunit may pananagutan ang mga transport cooperative sa kaligtasan ng mga pasahero, drayber, at konduktor.

Bilang common carriers, obligado ang mga operator na magpakita ng extraordinary diligence sa pagdadala ng mga pasahero, kahit walang presensya ng mga law enforcer.

Nanawagan din ang LTO-6 sa lahat ng transport cooperative sa rehiyon na sumunod sa Fleet Management System sa ilalim ng Public Transport Modernization Program.

Binigyang-diin ng ahensya na ilang overloaded na jeepney at mini-bus na ang nasangkot sa mga aksidente, kaya nais nitong maiwasan ang malalaking sakuna sa kalsada sa Western Visayas.

Pinasalamatan din ni Geduspan ang publiko sa pagtulong sa LTO-6 sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawan at video ng mga lumalabag, lalo na’t 20 lamang ang regular na law enforcers ng LTO-6 sa buong rehiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here