Home LIFESTYLE HEALTH Reproductive health education sa mga paaralan, isinusulong

Reproductive health education sa mga paaralan, isinusulong

3
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang medical expert na isama ang reproductive health education sa basic education curriculum dahil sa pagdami ng mga kabataang Pilipinong nagkakaroon ng cervical cancer.

Ayon kay Dr. Nelinda Catherine Pangilinan, head ng Specialty Center ng Rizal Medical Center, hindi lamang tungkol sa pakikipagtalik ang reproductive health kundi pati na rin ang tamang pangangalaga sa sariling katawan.

Sinabi niya na mayroon nang mga pasyenteng 20 taong gulang pa lamang na na-diagnose na may cervical cancer. Ilan sa kanila ay nagsimulang makipagtalik sa edad na 14 at nagkaroon ng tatlo o higit pang sexual partners.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na ang cervical cancer ay dulot ng matagal na impeksiyon ng human papillomavirus (HPV). Hinikayat niya ang publiko na magpa-HIV at HPV screening, pati pap smear, upang maagang matukoy ang mga problema sa reproductive health.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng regular na screening para sa ovarian cancer, na kadalasang walang sintomas at madalas nadidiskubre lamang kapag malala na ang kondisyon.

Dahil may mga kaso na ring natutuklasan sa mga batang babae, sinabi ni Pangilinan na isinusulong din ng Rizal Medical Center ang regular nutritional counseling bilang bahagi ng pag-iwas sa mga sakit. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here