Home METRO Buluan, Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

Buluan, Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

3
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Idineklara ng pamahalaang bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur ang state of calamity matapos maapektuhan ng malawakang pagbaha ang 4,730 pamilya sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang deklarasyon noong Martes upang magamit agad ng lokal na pamahalaan ang calamity fund para sa relief operations at iba pang emergency response.

Ayon sa MDRRMO, nagsimula ang tuloy-tuloy na pag-ulan noong Hulyo 23, dahilan upang umapaw ang Buluan River. Pinalala pa ito ng tubig mula sa mga upstream area, lalo na sa Pandag at sa umaapaw na Alip River sa Datu Paglas.

Bago pa man ideklara ang state of calamity, nakapamahagi na ang LGU ng 2,000 sako ng bigas mula sa pondo ng munisipyo. Ayon kay Vice Mayor King Jhazzer Mangudadatu, may mga pamilyang nananatili sa Buluan Municipal Gymnasium na ginawang evacuation center, habang ang iba ay nakikitira muna sa kanilang mga kamag-anak.

Nagbigay rin ng relief goods at iba pang tulong si Maguindanao del Sur Lone District Rep. Esmael “Toto” G. Mangudadatu at ang Provincial Government of Maguindanao del Sur. Magpapatuloy ang relief operations hangga’t may mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Layunin ng state of calamity na mapabilis ang pamamahagi ng ayuda at iba pang kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here