Home NATIONWIDE Pagtugon ng gobyerno sa TD Maymay, ipinag-utos ni PBBM; P1.8M tulong, inilaan

Pagtugon ng gobyerno sa TD Maymay, ipinag-utos ni PBBM; P1.8M tulong, inilaan

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang whole-of-government approach upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad na apektado ng Tropical Depression Maymay.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na nasa full alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang pagsunod sa naging direktiba ni Pangulong Marcos.

“Ipinag-utos na rin ang strict pre-emptive evacuation sa mga lugar na bahain at prone sa pagguho ng lupa kabilang na ang mga nasa coastal areas,” ayon kay Castro.

Sa kabilang dako, ang rescue personnel at mga kagamitan ay naka-standby at nakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management Office at 17 local government units sa National Capital Region.

“Samantala nakahanda na ang mobile pumps at lahat ng 73 pumping stationsay operational na habang isinasagawa ang pre-emptive pumping upang taasan ang carrying capacity ng mga daluyan ng tubig,” ayon kay Castro.

Ukol naman sa food assistance, tinuran ni Castro na naglaan ang Department of Social Welfare and Development ng P1.8 milyon para sa humanitarian aid. Namahagi rin ito ng family food packs, ready-to-eat meals, at sleeping kits sa Benguet, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Albay, at Zamboanga City.

“Sa kabuuan, umabot na sa mahigit5 million family food packsang inihanda ng pamahalaan para sa mga apektadong lugar samantalang aabot sa higit 1.6 billion pesosang standby fundsn sa buong bansa,” ang winika pa rin ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here