Home NATIONWIDE US, humiling ng extradition ni Quiboloy

US, humiling ng extradition ni Quiboloy

1
0

MANILA, Philippines – Pormal nang hiniling ng pamahalaan ng Estados Unidos ang extradition ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy upang litisin sa mga kasong child sex trafficking, bulk cash smuggling, at iba pang paglabag.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, naipadala na ang pormal na kahilingan sa Department of Justice (DOJ).

Naglabas ang isang korte sa US ng warrant laban kay Quiboloy noong Nobyembre 10, 2021 matapos siyang kasuhan ng sabwatan sa sex trafficking gamit ang puwersa, panlilinlang, at pamimilit, kabilang ang trafficking ng mga menor de edad.

Inaakusahan din siyang sangkot sa labor trafficking kung saan umano’y dinala sa US ang ilang miyembro ng simbahan gamit ang pekeng visa at pinilit mangalap ng donasyon para sa isang huwad na charity. Ayon sa FBI, ang mga donasyon ay ginamit umano para sa operasyon ng simbahan at marangyang pamumuhay ng mga lider nito.

Sinabi rin ng FBI na may mga babaeng nirekrut bilang personal assistants o “pastorals” ni Quiboloy, na umano’y inatasang magluto, maglinis, magmasahe, at makipagtalik sa kanya sa tinatawag nilang “night duty.”

Naaresto si Quiboloy sa Davao City noong Setyembre 8, 2024 at itinanggi niya ang mga kasong qualified human trafficking na isinampa laban sa kanya sa Pilipinas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here