Home HOME BANNER STORY 4 patay sa landslide sa Benguet, rockslide sa Rizal

4 patay sa landslide sa Benguet, rockslide sa Rizal

1
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Apat na katao ang nasawi sa magkahiwalay na landslide at rockslide sa Benguet at Rizal sa gitna ng malakas na ulan dulot ng mga bagyong Luis at Maymay at southwest monsoon o habagat, ayon sa Office of Civil Defense.

Sa La Trinidad, Benguet, dalawang empleyado ng isang bulalo shop ang namatay habang isa pa ang nasugatan matapos tamaan ng landslide ang establisimyento dakong alas-9 ng umaga.

Ayon kay Benguet Police Chief PCol. Dionisio Bonoy, wala pang naitalang kahalintulad na insidente sa lugar. Bagama’t hindi matarik ang dalisdis, nababad sa ulan ang lupa sa loob ng ilang araw at hindi na kinaya ng retaining wall ang bigat nito.

“‘Parang may retaining wall siya pero hindi na kaya ng retaining wall ‘yung dami ng lupa na nag-slide. Diba ‘pag ang lupa naka-absorb ‘yan [ng tubig], pag napuno na, talagang mabigat na. At kung may height ‘yan, talagang itutulak,” ani Bonoy.

“Hindi naman ganun kataasan ‘yun kaso lang may mga lupa sa taas pero medyo malayo. First time lang talaga nangyari sa area na ‘yun,” dagdag niya.

Sa Rodriguez, Rizal, dalawang magkapatid ang nasawi matapos tamaan ng rockslide ang kanilang bahay dakong tanghali noong Miyerkules.

Sinabi ng OCD na bineberipika pa kung direktang may kaugnayan sa mga bagyo at habagat ang mga insidente. Hindi pa kasama ang mga nasawi sa opisyal na situation reports ng ahensya.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 2,215 pamilya o 6,929 indibidwal ang lumikas at nananatili sa 39 evacuation centers.

Nagdulot ng pagbaha ang sama ng panahon sa 83 lugar sa Ilocos Region, Central Luzon, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region.

Kabuuang 23,946 pamilya o 80,633 katao ang naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region at Cordillera Administrative Region.

“We can describe na ‘yong bagyo is hindi siya concentrated sa iisang lugar, na kung nasaan lang ‘yong bagyo is nandoon lang lang din ang effects, dahil itong bagyo is hindi lang siya doon sa tinatahak niya na northern at central Luzon. Naghahatak ito ng hanging habagat na nagdadala rin ng ulan sa ibang parte ng Pilipinas. Like itong Rizal, ang layo nito sa central Luzon or northern Luzon, but inulan pa rin at nag-cause ng rockslide incident,” ayon kay OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano.

“So, challenging siya na kalat siya, hindi siya naka-sentro sa typhoon path. Up to until Region 9, meron tayong effects,” dagdag niya.

Hindi bababa sa 12 bahay ang nasira. Hindi pa madaanan ang apat na kalsada sa Ilocos Region, tatlong kalsada sa Cordillera Administrative Region at tatlong tulay sa Cagayan Valley.

Naranasan din ang pagkawala ng kuryente at suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Ilocos Region.

Umabot na sa ₱1.38 milyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektadong residente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here