Home NATIONWIDE Ombudsman kumpiyansang babalik ng Pinas sina Legarda, Leviste

Ombudsman kumpiyansang babalik ng Pinas sina Legarda, Leviste

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kumpiyansa siyang babalik sa Pilipinas sina Sen. Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste, kahit nasa gitna sila ng imbestigasyon ng Ombudsman.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration na umalis ng bansa sina Legarda at Leviste noong Agosto 2.

Ayon kay Remulla, “I don’t think they will escape. They will come back. We believe that they will come back.”

Patuloy pa rin ang imbestigasyon laban sa mag-ina. Noong nakaraang linggo, sinabi ni Remulla na ang mga reklamong plunder at graft laban sa kanila ay nasa preliminary investigation stage, isang hakbang bago maaaring magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

Kasama rin sa reklamo ang dating Department of Energy chief Alfonso Cusi. Ayon sa mga imbestigador, umano’y nagsabwatan sina Legarda, Leviste, at Cusi upang makakuha ng eksklusibong karapatan ng pamahalaan sa mga proyekto sa solar energy sa pamamagitan ng mga hakbang na lehislatibo at regulasyon.

Sinabi rin ng Ombudsman na marami sa mga proyekto ang hindi umano natuloy, at nagresulta ito sa mahigit ₱10.44 bilyon na hindi nabayarang obligasyon sa gobyerno. Ayon kay Remulla, maaaring umabot sa daan-daang bilyong piso ang pinsala sa pamahalaan.

Mariing itinanggi ni Sen. Loren Legarda ang mga paratang at sinabi niyang ang mga ito ay “false and baseless.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here