Home METRO 2 timbog, P.71M tobats, kush nasabat sa Las Piñas drug ops

2 timbog, P.71M tobats, kush nasabat sa Las Piñas drug ops

1
0

MANILA, Philippines – Dalawang high-value individuals (HVIs) ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) kung saan nakumpiska ang halagang ₱710,000 shabu at kush sa Las Piñas City Huwebes ng gabi, Agosto 6.

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang mga nadakip na suspek na tinaguriang mga HVIs na sina alyas Nerrisa, 34, rice seller, residente ng Las Piñas City at isang alyas Eugene, 26, housekeeper, naninirahan sa Parañaque City.

Base sa report na natanggap ni Cinco, naganap ang pagdakip sa mga suspek sa isinagawang buy-bust operation kabilang ang mga operatiba ng District Intelligence Division (DID-SPD) at sa pakikipag-ugnayan sa Las Piñas City police bandang alas 10:50 ng gabi sa Banaba Street, Barangay CAA BF International, Las Piñas City nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ang mga operatiba ng apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang ₱680,000 at tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman naman ng humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang kush na nagkakahalaga ng ₱30,000, mobile phone sa ilegal na transaksyon at ang buy-bust money na ginamit naman sa isinagawang operasyon.

Alinsunod sa Supreme Court A.M. No. 21-06-08-SC, gumamit ang mga operatiba ng Alternative Recording Device (ARD) sa buong operasyon habang ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa ilalim ng Miranda Doctrine sa wikang kanilang nauunawaan bago isinailalim ang mga ito sa mandatoryong physical at medical examination.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng DDEU-SPD ang mga suspek habang inihahanda ang wastong dokumentasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession), Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Cinco ang DDEU-SPD at mga katuwang na yunit sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga at nagsabing mananatiling walang humpay ang kampanya ng SPD laban sa mga high-value drug personalities upang maprotektahan ang mga komunidad sa Timog Metro Manila mula sa banta ng ilegal na droga. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here