Home METRO Hinihinalang rocket debris natagpuan sa baybayin ng Calayan, Cagayan

Hinihinalang rocket debris natagpuan sa baybayin ng Calayan, Cagayan

3
0
via Cagayan Provincial Information Office

CAGAYAN, Philippines – Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Calayan, Cagayan ang isang hinihinalang rocket debris sa baybayin ng Barangay Babuyan Claro noong Huwebes.

Ayon sa PCG, nakita ang bagay na lumulutang sa dagat bandang 12:30 p.m. matapos itong iulat ng isang residente.

Sinabi ng mga awtoridad na walang nakikitang marka o palatandaan sa narekober na bagay na maaaring agad makapagtukoy kung saan ito nagmula.

Habang hinihintay ang opisyal na pagsusuri ng mga eksperto, kinuha at isinailalim sa kustodiya ng PCG ang mga piraso ng debris para sa ligtas na pag-iingat at karagdagang pagsusuri.

Nagbabala rin ang Coast Guard sa mga residente na huwag hawakan o galawin ang anumang hinihinalang rocket debris dahil maaari itong magdulot ng panganib.

Ang insidente ay nangyari isang linggo matapos maglunsad ang China ng Long March 6A rocket mula sa Taiyuan Satellite Launch Center sa Shanxi Province noong Hulyo 30. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here