Home HOME BANNER STORY 6 utas, higit 261K apektado ng Luis, Maymay, Habagat

6 utas, higit 261K apektado ng Luis, Maymay, Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng NDRRMC na anim na katao ang namatay dahil sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay, at habagat.

Dalawa ang nasawi sa landslide sa Benguet, dalawa sa rockslide sa Rodriguez, Rizal, at dalawa sa La Union dahil sa pagkalunod at pagkakakuryente.

Mayroon ding pitong nasugatan: lima dahil sa landslide sa Baguio, isa sa vehicular accident sa Kapangan, at isa sa landslide sa La Trinidad. Wala namang naiulat na nawawala.

Hanggang 6:00 a.m. ng Sabado, umabot na sa 261,048 katao o 74,755 pamilya ang naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

Sa kabuuang bilang, 2,519 pamilya o 7,580 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 83 evacuation centers.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 120 nasirang bahay, kung saan 112 ang bahagyang nasira at walo ang tuluyang nawasak.

Tinatayang umabot sa ₱105.5 milyon ang pinsala sa imprastraktura at ₱3.53 milyon ang pinsala sa agrikultura. Samantala, nakapagbigay na ang pamahalaan ng ₱7.38 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Patuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa habagat, habang binabantayan ng PAGASA ang isang LPA sa labas ng PAR na mababa ang posibilidad na direktang makaapekto sa bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here