Inilunsad ng GCash GInsure at BPI MS Insurance ang PasaHERO Protect, isang abot-kayang accident insurance para sa mga Pilipinong sumasakay araw-araw.
Sa P15 lang kada buwan, sakop na ang jeep, bus, tren, taxi, at TNVS (Transport Network Vehicle Services) ride-hailing motor sa buong bansa.
Kabilang sa mga benepisyo ang hanggang P500,000 para sa aksidenteng pagkamatay o permanenteng kapansanan habang nasa public transport .
Nasa hanggang P250,000 naman para sa iba pang aksidente
Bilang dagdag na benepisyo, may double indemnity ang insurance para sa mga aksidenteng nagaganap habang sakay ng pampublikong transportasyon, na nagbibigay ng mas mataas na proteksiyon at dagdag na kapanatagan ng isip sa mga commuter.
Nagsisimula lamang sa abot-kayang halaga ang premium na 15 kada buwan.
“Ginagawa naming mas abot-kaya at inklusibo ang insurance para sa bawat commuter,”_ sabi ni Wilfrido de Ocampo, Head ng GInsure.
“Layunin naming magbigay ng kapanatagan sa bawat biyahe,”_ dagdag ni Noriyuki Kobayashi, CEO ng BPI MS.
Maaari ring bumili ng insurance para sa hanggang lima katao gamit ang isang GCash account, kaya madaling mabigyan ng proteksiyon hindi lamang ang sarili kundi pati ang pamilya at maging ang mga mahal sa buhay.
“Naniniwala kami na ang proteksiyon ay dapat na maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay-hindi isang luho kundi isang pangunahing pangangailangan na dapat maabot ng bawat Pilipino at kanilang pamilya. Sa pakikipagtulungan namin sa BPI MS Insurance, ginagawa naming mas angkop, abot-kaya, at inklusibo ang insurance para sa araw-araw na karanasan ng mga commuter,” ayon kay Wilfrido de Ocampo, Head of GInsure.
Samantala, sinabi naman ni Noriyuki Kobayashi, President at CEO ng BPI MS Insurance Corporation, na layunin ng PasaHERO Protect na ilapit ang insurance sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
“Sa pamamagitan ng PasaHERO Protect, binabago namin ang paraan ng paghahatid ng insurance. Layunin nitong mas madaling maabot ang abot-kayang proteksiyon, lalo na sa mga umaasa araw-araw sa pampublikong transportasyon. Hangad naming makapaghatid ng kapanatagan ng isip sa bawat biyahe upang makapagpatuloy ang mga Pilipino nang kumpiyansa at maykapanatagan ang isip,” dagdag niya.
Higit pa sa pagbibigay ng pinansyal na proteksiyon, ipinapakita ng partnership ng GCash at BPI MS Insurance ang kanilang iisang layunin na gawing mas ligtas ang araw-araw na pagko-commute ng milyon-milyong Pilipino. Isinasaalang-alang nito ang mga panganib na kinahaharap ng mga commuter at nagbibigay ng safety net na makatutulong sa hindi inaasahang pangyayari.
Para masolusyunan ang tunay na pangangailangan ng mga commuter, siniguro ng GCash at BPI MS Insurance ang inihahandog na insurance bilang isang serbisyong inklusibo, praktikal, at angkop sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Para magkaroon ng proteksiyon, buksan ang GCash app, piliin ang Ginsure, at i-activate ang PasaHERO Protect. Sa murang premium, mas maisasama na ang insurance sa buwanang gastusin ng mga Pilipino.
Sa patuloy na pagbibigay ng mga produktong pinansyal na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan, isinusulong ng GCash ang layunin nitong gawing mas inklusibo at abot-kayang serbisyong pinansyal para sa bawat Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden