Home METRO Sekyu nagpaalam pa sa GC bago magpakamatay

Sekyu nagpaalam pa sa GC bago magpakamatay

3
0

CAVITE, Philippines – Isang 27-anyos na security guard ang nagpamatay sa hindi pa malamang kadahilanan at nagpaalam pa umano ito sa kanilang group chat makaraang natagpuang patay sa loob ng kanilang barracks sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa report kinilala ang biktimang si alyas Covie, stay-in at residente ng Batasan Hills, Quezon City.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman ang naging sanhin ng ikinamatay nang natagpuang duguan sa loob ng barracks na tinutuluyan nito.

Batay sa salaysay ng isang saksi, bandang alas-4:45 ng madaling araw puwersahan nitong binuksan ang pintuan ng barracks sa New Provincial Capitol Admin Workers sa Brgy San Agustin, ng nasabing lugar nang nasilip nito sa butas ang biktimang duguan kung kaya kaagad na ipinaalam sa kanilang Safety Head Officer ang kanyang natuklasan.

Napag alaman na bago ang insidente, bandang alas-12:01 ng madaling araw nakapag txt pa ang biktima sa kanilang group chat ng pamamaalam.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen upang alamin  kung bakit nagpakamatay o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here