MANILA, Philippines – Nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Agosto 8 sa mga alkalde na busisiin ang mga opisina sa kanilang pamamahala sa posibleng korapsyon sa
local garbage collection at mga kontrata sa waste management.
Sa kanyang programa sa radyo, pinuri ni Remulla ang ilang alkalde kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto, na tumangging lumahok sa mga ganitong modus.
“Siguro sa Metro Manila, we can say Vico at Joy Belmonte. May mga iba pa, na hindi nila kailangan iyon. Hindi sila pumapatol. Sa ilalim nila—, ‘yung mga opisina, Business Processing Licensing Office, Office of the Building Official. Lahat ‘yan tsekin niyo,” ani Remulla.
“You should be aware of people under you who are committing shenanigans,” dagdag pa.
Nanawagan din si Remulla sa publiko na isumbong ang mga iregularidad sangkot ang mga alkalde o mga opisina sa ilalim nito.
“Ito ang challenge ko sa kanila, at saka sa taongbayan. Kung may reklamo kayo sa mayor, o sa nangyayari sa bayan na nag-apply kayo ng lisensiya. Ireklamo niyo sa mayor, furnish us a copy. Tapos, i-furnish-an niyo rin ng copy ang ARTA para magkaalaman kung sino ang kikilos sa atin,” sinabi pa ni Remulla.
“‘Pag ayaw kayong bigyan ng business permit, sabihin niyo,” dagdag pa. RNT/JGC