MANILA, Philippines – Tinawag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag ang “maleta boys” bilang ‘unreliable witnesses’ matapos na bawiin ng apat sa mga ito ang kanilang testimonya kaugnay sa flood control scam.
Ang 10 sa natitirang “maleta boys” na mga dating bodyguard umano ni Zaldy Co ay inaresto noong Biyernes matapos hindi makapagbayad ng piyansa sa reklamong perjury.
Ani Matibag, may natanggap siyang feelers na nagsabing ang “maleta boys” ay nais makipag-usap sa kanya at magbigay ng pahayag.
“Consistent with our findings noong amin silang imbestigahan, ang conclusion namin, sila ay unreliable witnesses,” sinabi ni Matibag.
“Ngayong binabawi na, it bolsters the position of NBI based on our investigation na unreliable witnesses, kasi ngayon di mo na alam ano ang paniniwalaan,” dagdag pa niya.
“Ang malinaw ay, itong supposed ex marines na hindi naman marines, na dishonorably discharged pa ng Armed Forces of the Philippines ay nagpagamit, unreliable, ngayon ay nagwiwithdraw na,” ayon naman kay Atty. Dino de Leon, counsel ni Cong. Leila De Lima na nagsampa ng reklamong perjury laban sa “maleta boys.” RNT/JGC