Home NATIONWIDE 23 indibidwal inilikas sa bayan sa Zambales sa pagbaha, landslide

23 indibidwal inilikas sa bayan sa Zambales sa pagbaha, landslide

3
0

MANILA, Philippines – Nasa pitong pamilya o 23 indibidwal ang inilikas mula sa Barangay Balaybay sa Castillejos dahil sa landslide at pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat.

Ayon kay Rolex Estella, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ang mga evacuee ay inilikas sa ligtas na lugar bilang pag-iingat dahil sa banta ng landslide sa lugar.

Samantala, patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang Barangay Sta. Fe sa kalapit na bayan ng San Marcelino sa pag-apaw ng tubig sa umapaw na Sta. Fe River.

Nagpahatid na ng tulong ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Governor, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa mga residente ng Sta. Fe.

Nagbigay din ang pamahalaan ng mga sako para sa sandbagging operations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here