MANILA, Philippines – Nananatili sa unang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Ayon sa huling ulat ng Marikina Public Information Office nitong umaga ng Linggo, Agosto 9, ay nasa 15.7 metro ang lebel ng tubig sa Marikina River, o nasa unang alarma.
Matatandaan na itinaas ang unang alarma sa Marikina River nitong hapon ng Sabado matapos itong umakyat sa 15 metro at patuloy pang tumaas sa magdamag.
Samantala, nasa kritikal na lebel na ang tubig sa La Mesa Dam.
Sa huling ulat ay tumaas pa sa 79.71 metro ang lebel ng tubig sa naturang dam.
Ito ay mataas na sa itinakdang critical level na 79.50 metro at ilang metro naman mula sa spilling level nito na 80.15 metro.
Nakararanas ng malalakas na pag-ulan ang Metro Manila dahil sa Habagat. RNT/JGC