Home NATIONWIDE Mga residente sa Romblon inilikas sa pagbahang banta ng Habagat

Mga residente sa Romblon inilikas sa pagbahang banta ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Inilikas ang mga residente mula sa low-lying at flood-prone areas sa Romblon dahil sa malalakas na pag-ulan at tumataas na tubig-baha dahil sa Habagat, ayon sa Romblon Coast Guard Station nitong Sabado, Agosto 8.

Sa social media post, sinabi ng Coast Guard na 12 residente mula sa 13 pamilya ang ligtas na nailikas mula sa Barangay Tulay sa Odiongan, Romblon.

Sila ay inilipat sa Tulay Barangay Hall at Municipal Evacuation Center sa Barangay Dapawan, Odiongan.

Samantala, nasa 11 indibidwal naman ang inilikas mula sa Sitio Maligaya Riverside sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon, na agad inilipat sa Barangay Poblacion Hall.

Mayroon ding pamilya na may limang miyembro ang inilikas mula sa Barangay Madalag, Alcantara, patungo sa kanilang barangay hall.

“The evacuees were advised to remain at the evacuation centers until the floodwaters have subsided and the affected areas have been declared safe by the concerned authorities,” ayon sa Romblon Coast Guard.

Ang paglilikas ay katuwang ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs), Bureau of Fire Protection (BFP), at local police stations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here