Home NATIONWIDE 618 indibidwal inilikas sa QC sa banta ng Habagat

618 indibidwal inilikas sa QC sa banta ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 188 na pamilya o 618 indibidwal ang inilikas sa iba’t ibang barangay sa Quezon City dahil sa banta ng pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan ng Habagat.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, hanggang alas-6 ng umaga ng Linggo, Agosto 9, ay mayroong 22 pamilya ang inilikas sa Barangay Sta. Cruz, 103 pamilya mula sa Bagong Silangan at pitong pamilya mula sa Dona Imelda.

Mayroon ding 13 pamilya ang inilikas sa Barangay Roxas at 43 pamilya sa Barangay Gulod.

Ang mga ito ay tumutuloy sa anim na evacuation centers sa lungsod. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here