Home HOME BANNER STORY Emergency rescue ops ikinasa sa ilang lugar sa Parañaque sa lampas taong...

Emergency rescue ops ikinasa sa ilang lugar sa Parañaque sa lampas taong baha

1
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ang rescue operation sa ilang lugar sa Paranaque City dahil sa hanggang dibdib at lampas taong baha na tumama sa lugar nitong Sabado ng gabi, Agosto 8.

Dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na ulan dala ng Habagat ay umabot sa pitong talampakan ang lalim ng baha sa Veraville 2 Homes, Bgy. San Isidro, Valley 6, kung saan kinailangang sagipin ang isang pamilya kabilang ang walong buwang gulang na sanggol.

Ayon sa mga residente, mabilis na tumaas ang tubig sa lugar.

Samantala, istranded din ang ilang pamilya sa San Felipe Street sa Bgy. San Antonio Valley 2 na na-rescue din bandang 9:15 ng gabi sa biglaang pagtaas ng tubig.

Sa official Facebook page, hinimok ng Parañaque City Government ang mga residente lalo na sa low-lying areas at malapit sa daluyan ng tubig na lumikas na sa banta ng posible pang pagtaas ng tubig.

Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na patuloy na naka-alerto ang mga awtoridad para tulungan ang mga apektadong residente at magkasa ng forced evacuation kung kinakailangan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here