Home NATIONWIDE Substandard na materyales pinuna ni Dizon sa bumagsak na pader sa EDSA

Substandard na materyales pinuna ni Dizon sa bumagsak na pader sa EDSA

1
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang paggamit ng substandard na materyales kasunod ng pagbagsak ng pader sa EDSA Ayala northbound sa gilid ng Ayala Forbes Park sa Makati City nitong Sabado ng gabi, Agosto 8.

Sa ulat ay gumuho ang pader sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Metro Manila.

Naokupa nito ang dalawang lane ng northbound ng EDSA at dalawa lamang ang nadaraanan.

Ininspeksyon ni Dizon ang lugar kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, at sinabing ang gumuhong bahagi ay tila hindi gawa sa konkreto.

“Hindi ito semento. Hardiflex lang ito, drywall lang ito. Parang, ang nangyari dito, kung sino man ang gumawa nito, pinapalabas nila na semento, pero hindi naman pala semento,” ani Dizon.

“May lupa. Siyempre, kung uulan ng malakas, tuluy-tuloy, mapupuno ng tubig ‘yong lupa, bibigat ‘yong lupa, bibigay ‘yan. Kasi nga, ano lang, ito lang. Ito, pwede kong putulin ito (Hardiflex) e. Pinutol ko na nga ito sa kamay ko,” dagdag pa niya.

Ang pader ay tila dagdag lamang sa umiiral na property wall at hindi isang government-owned structure.

Aalamin ng mga awtoridad kung sino ang kinomisyon para sa karagdagang istruktuta at kung kailan ito itinayo.

“Ang kailangan natin malaman, sino at kailan dinagdag ito? At ang makakasagot nito, ang City Engineering ng Makati. So, we will investigate that together with MMDA. Kasi, delikado ito. Kung ito bumagsak, may naglalakad d’yan?”

Samantala, nagbabala naman si Dizon na maaari pa ring bumigay ang nalalabing bahagi ng pader. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here