Home HOME BANNER STORY NCIP nagdaos ng dialogue sa Aeta community sa Tarlac sa usapin ng...

NCIP nagdaos ng dialogue sa Aeta community sa Tarlac sa usapin ng Pax Silica

1
0

MANILA, Philippines – Nagdaos ng dialogue ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Aeta Hungey Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa Sitio Binyayan, Capas, Tarlac, upang mapakinggan ang mga hinaing kaugnay sa panukalang Pax Silica Project.

Sa Facebook post, sinabi ng NCIP na binisita ng Secretary nito, at Chairperson na si Nancy Catamco, Ethnographic Commissioner for Region III at Rest of Luzon Rhodex Valenciano, at iba pang representative ng ahensya ang Aeta Community.

“Tapat na iniharap ng mga kinatawan ng ICCs/IPs ang kanilang mga alalahanin, mula sa posibleng pagkagambala sa kanilang mga tirahan at kabuhayan, hanggang sa kanilang ancestral domain claim,” sinabi ng NCIP.

“Direktang tiniyak ng NCIP sa mga komunidad: hindi mababale-wala ang mga hinaing na ito. Ipaaabot ito sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kasama ang kahilingan para sa sapat at malinaw na impormasyon tungkol sa Pax Silica Project,” dagdag pa ng ahensya.

Ang dialogue ay dinaluhan ng mga lider ng lokal na pamahalaan at indigenous representatives, kabilang sina Capas Mayor Atty. Boots Rodriguez, Municipal IPMR Antonio Gutierrez, Sapang Kawayan Chieftain Petronilla Capiz Munoz, Barangay Aranguren IPMR Judith Lasquite, dating IPO Chairman and Pagmimiha AD James Dela Cruz, Barangay Cut-cut II IPMR Analyn Aquino, Barangay Kagawad Gilbert Rueda, dating Commissioner Bayani Sumaoang, Asosasyon ng mga Katutubo sa Mahawang President Casamira Maniego, at Binastro Julian.

“Bahagi ito ng patuloy na pagkilos ng NCIP upang matiyak na napapangalagaan at naipagtatanggol ang mga karapatan at kapakanan ng mga apektadong Katutubong Pamayanan. Bilang pangunahing ahensiyang may mandatong protektahan at isulong ang mga karapatan ng ICCs/IPs, patuloy na tututukan ng NCIP ang mga susunod na hakbang kaugnay ng Pax Silica Project at titiyaking naririnig at isinasaalang-alang ang boses at karapatan ng mga komunidad na maaapektuhan,” ayon sa ahensya.

“Gagawin ng komisyon ang lahat ng nararapat na aksyon upang matiyak na mapangangalagaan ang boses, karapatan, at kapakanan ng mga Ayta Hungey, alinsunod sa umiiral na batas,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here