Home NATIONWIDE 140 pamilya inilikas sa barangay sa Maynila, MDSW agad rumesponde

140 pamilya inilikas sa barangay sa Maynila, MDSW agad rumesponde

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa tinatayang 140 pamilya o 392 indibidwal ang inilikas sa Barangay 101, Zone 8 matapos maapektuhan ng pagbaha ang mga residente sa Road 10, Riverside at Pier nitong Agosto 9, 2026.

Ayon kay MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, patuloy ang mabilis na pagtugon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa mga residenteng naapektuhan, kabilang ang agarang paglikas at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan.

Inilikas ang mga apektadong pamilya sa OVP Buildings 23 hanggang 27, kung saan isinagawa rin ang validation at panayam sa mga evacuee upang matukoy ang kanilang kalagayan at pangangailangan.

Namahagi rin ang MDSW ng mainit na pagkain, cupcakes at bottled water sa mga residenteng pansamantalang nananatili sa evacuation center.

Ang mabilis na pagkilos ng MDSW ay bahagi ng mandato at direktiba ni Manila Mayor na tiyaking maagap ang pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga Manileñong nangangailangan ng tulong, lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Patuloy namang minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod ang sitwasyon sa Barangay 101 upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga evacuee. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here