Home NATIONWIDE Sotto nagpasalamat sa SC sa pagbasura ng kasong indirect contempt

Sotto nagpasalamat sa SC sa pagbasura ng kasong indirect contempt

3
0

MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III nitong Martes ang Korte Suprema sa pagbasura sa petisyon para sa indirect contempt na inihain laban sa kanya.

Sa pahayag, sinabi ni Sotto na may kaugnayan ito sa naging statement nya sa naging desisyon ng impeachment court ni Vice President Sara Dutertenoong 2025.

“Ang desisyong ito ay nagpoprotekta sa karapatan ng bawat Pilipino na malayang magsalita sa mga isyung nakaaapekto sa bansa,” ani Sotto.

“Ang kalayaan sa pagpapahayag ay isa sa pinakamahalagang pananggalang laban sa paniniil. Kapag malayang nakakuwestyon ang tao sa mga nasa kapangyarihan, sa anumang sangay ng gobyerno, napipigilan ang pang-aabuso sa kapangyarihan,” dagdag pa niya sa isang pahayag.

Inalala ni Sotto na hindi siya sumang-ayon sa naunang desisyon ngunit hindi aniya nangangahulugan na nawala ang respeto niya sa Kataas-taasang Hukuman.

“Palagi ko itong iginalang bilang isang institusyon, at ibinabalik ko ang respeto na ipinakita nito sa akin sa desisyon nito,” ani Sotto.

“Muli, ang aking pasasalamat sa Korte, at patuloy akong magsasalita nang malaya, ngunit palaging may paggalang sa ating mga institusyon. Praise God!” dagdag pa niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here