Home NATIONWIDE 6 dayuhang iligal na nagtatrabaho sa Binondo arestado ng BI

6 dayuhang iligal na nagtatrabaho sa Binondo arestado ng BI

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na dayuhan sa iligal na pagtatrabaho sa mga establisyimento sa Binondo, Manila.

Sa kalatas, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ikinasa ang enforcement operation target ang illegal foreign workers sa isang “popular shopping mall in Binondo” noong Hulyo 29.

Ang mga nahuling indibidwalay naaktuhang sangkot sa retail activities na paglabag sa kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa at Retail Trade Act.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng dalawa sa mga indibidwal na nagpakilalang Filipino citizen.

Nahaharap ang mga nahuling dayuhan sa reklamong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Nagbabala naman si Viado sa mga dayuhansa paglahok sa mga aktibidad na hindi pinapayagan sa ilalim ng kanilang visa.

“The Philippines welcomes law-abiding visitors and investors, but those who disregard our laws should expect swift enforcement and eventual removal from the country,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here