Home ENTERTAINMENT Tote bag ng BINI, nilait!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tote bag ng BINI, nilait!August 10, 2026 07:1430 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kawawang tote bag, tadtad ito ng panlalait mula sa mga netizens!Bale ba, ang tote bag ay ang latest merchandise ng all-female P-pop group na Bini.Kulay itim ito at may sky blue na strap.In fairness, marami ang puwedeng lamanin nito.As Bini Maloi wrote: “Functional, sturdy, pang-porma! Yeheeey, may pang-ukay bag na ako!”Hindi roon natapos ang pag-eensorso ni Bini Maloi: “If you get this, you’ll be BINified!”Kaso, that’s not what even Bini’s fans think about it.Kulang na lang sabihing tsipangga ang tote bag.Here are some of their harsh comments.“Kahit libre pa ‘yan, hindi ko kukunin!”“Kulang na lang ng gulay, pamalengke na!”“Kahit fan pa ako ng Bini, I won’t use it!”“What makes Bini Maloi think she can convince me to buy a literal garbage of a product?!”“Ang mahal na nga ng ticket, ang mahal pa rin ng bag!”May isang netizen who offered a better idea.Sey nito: “Sana man lang, canvass fabric ang ginamit. Merong P60 per yard, sana bumili na lang sila ng yarda-yarda at ipinatahi!”May mga dumepensa ring netizens na may praktikal na pananaw.Hirit nito, kung ayaw nila ang tote bag–simple lang: don’t patronize it!Hinihintay ang reaksyon ng grupo tungkol sa wagas na pang-ookray sa kanilang tote bag.Kasalukuyang nasa USA ang BINI para sa kanilang concert. Ronnie Carrasco III