Home HOME BANNER STORY 7 nawawala sa landslide sa Baguio

7 nawawala sa landslide sa Baguio

1
0

MANILA, Philippines – Pito ang nawawala kasunod ng naganap na landslide sa Guidag-Surong, Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office nitong gabi ng Linggo, Agosto 9, ay mayroon namang limang indibidwal ang nasagip sa insidente.

Naganap ang landslide alas-7 ng gabi dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.

Limang pamilya mula sa tatlong tirahan naman ang naapektuhan ng pagguho ng lupa.

Ang unang tirahan ay may pitong residente, ang ikalawa ay mayroong dalawang nakatira, at ang ikatlo ay may tatlong residente.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ipinadala na ang mga tauhan mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, Baguio City Fire Station, Baguio City Police Office, at barangay first responders para sa search and rescue operation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here