Home HOME BANNER STORY 8 patay sa epekto ng Habagat, Bagyong Luis at Maymay – NDRRMC

8 patay sa epekto ng Habagat, Bagyong Luis at Maymay – NDRRMC

1
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Umakyat pa sa walo ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Habagat, at Bagyong Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo ng gabi, Agosto 9.

Naitala ang mga nasawi sa mga sumusunod na lugar:

– Dalawa sa Rizal dahil sa rockslide
– Dalawa sa Batangas dahil sa pagkalunod at pagkakuryente
– Dalawa sa Benguet dahil sa landslide
– Dalawa sa La Union dahil sa landslide, pagkakuryente, at pagkalunod.

Samantala, isa naman ang nawawala sa Batangas habang pito ang sugatan sa Benguet dahil sa landslide at vehicular accident.

Naitala rin ang mga pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan sa Regions I, III, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region (CAR), at CALABARZON.

Nagkaroon din ng mga insidente ng landslide sa Regions I, CAR, at CALABARZON. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here