Home METRO 3 indibidwal nabulaga ng pulisya habang bumabatak sa Valenzuela

3 indibidwal nabulaga ng pulisya habang bumabatak sa Valenzuela

2
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos mahuli sa aktong bumabatak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 mula sa isang concerned citizen na may nagaganap umanong illegal drug illegal drug activities sa isang abandonadong bahay sa kanto ng Israel at Engracion Sts., Brgy., Marulas.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS3 at naaktuhan ng mga ito ang dalawang lalaki na abala umano sa pagsinghot ng shabu sa loob ng nasabing bahay dakong alas-3:00 ng hapon.

Nakumpiska sa dalawang naaresto na sina alyas “Michael”, 26, at alyas “Toper”, 39, ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Nauna rito, alas-7:05 ng gabi nang mahuli din sa akto ng mga operatiba ng Police Sub-Station 6 si alyas “Erwin”, 44, na bumabatak din umano ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa Esteban St., Brgy. Dalandanan. Nakuha sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here