MANILA, Philippines – Magkakaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene simula Martes, Agosto 11, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ang magiging bawas-presyo ay ang mga sumusunod:
–Gasolina: ₱4.70 kada litro
–Diesel: ₱4.30 kada litro
–Kerosene: ₱4.88 kada litro
Ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas, ang pag-asa na humupa ang tensyon sa pagitan ng United States at Iran ay isa sa mga dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dagdag pa niya, nakatulong din ang paglakas ng piso laban sa US dollar upang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. RNT/MDS