Home METRO Dating beauty queen sa Isabela at kasintahan, patay sa aksidente

Dating beauty queen sa Isabela at kasintahan, patay sa aksidente

3
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Pinatunayan ng mgakasintahan na magkasama sila hanggang sa kabilang buhay o ‘Till Death Do Us Part’ ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang kasalukuyang ginagamot matapos ang banggaan sa National Highway, Barangay Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alexis Ann, 25-anyos — kilala bilang dating Ms. Cauayan at nagtatrabaho sa bangko mula sa Barangay District 1 — at ang kanyang kasintahan na si James, 25-anyos, tsuper ng sasakyan at taga-Santiago City. Kasama rin sa sasakyan ay si Brylle Heis, 30-anyos, mula sa San Fermin, Cauayan City na kasalukuyang ginagamot.

Sa pagsisiyasat ng kapulisan,  may nakaparadang trak na may dalang 200 kaban ng palay sa gilid ng daan nang bigla itong salpukin sa hulihang bahagi ng sasakyang minamaneho ni James habang patungo sa Bayan ng Alicia.

Sa pagtugon ng Rescue 922 sa mga biktima ay agad dinala sa magkahiwalay na pagamutan. Ngunit idineklara nang patay sa pagdating si James sa Cauayan Specialist Center at si Alexis Ann naman sa Cauayan District Hospital. Si Brylle Heis ay patuloy na binabantayan sa United Doctors Medical Center.

Kasama rin sa nasangkot ay ang tsuper ng trak na si Dominador, 41-anyos, mula sa Saguday, Quirino.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here