Home NATIONWIDE Rodriguez, Rizal isinailalim sa state of calamity

Rodriguez, Rizal isinailalim sa state of calamity

3
0

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Rodriguez, Rizal nitong Lunes, Agosto 10 dahil sa epekto ng malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.

Ayon sa LGU, ang deklarasyon ay inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Inaprubahan naman ng Sangguniang Bayan ang rekomendasyon upang mapabilis ang paghahatid ng tulong at disaster response sa mga residente.

Nananatiling suspendido ang pasok sa mga paaralan sa naturang bayan dahil ang karamihan sa mga paaralan ay ginagamit bilang evacuation center ng mga residenteng apektado ng mga pagbaha.

Hinimok naman ang mga residente na manatiling alerto at manatili sa mga ligtas na lugar habang nagpapatuloy ang masamang panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here