MANILA, Philippines – NAKATANGGAP ang Pilipinas ng $600 million (P36.95 billion) grant mula sa Estados Unidos para palawakin ang access sa dekalidad na healthcare at palakasin ang katatagan ng bansa laban sa public health threats.
Sa ilalim ng grant, magsasanib-puwersa ang Pilipinas at Estdaos Unidos para palakasin ang “disease surveillance, detection, at outbreak response.” Mapapabuti rin ang kakayahan ng bansa para tustusan at pangasiwaan ang health sector.
Susuportahan ng grant ang mga pangunahing health programs na tumutugon sa human immunodeficiency virus (HIV), tuberculosis (TB), neglected tropical diseases, at maternal, newborn, at child health.
Sa isang kalatas, sinabi ni Department of Finance Secretary Frederick Go na dahil sa grant ay magagawa na ng Pilipinas na tumugon ng mas epektibo sa health emergencies.
“Investing in healthcare is investing in our people, our productivity, and our future,” ani Go.
Ang DOF ay isang ahensiya na pinangangasiwaan ang US grant sa ilalim ng Strategic Objective Agreement (SOAG) for Integrated and Sustainable Health Systems in the Philippines.
Matatandaang, Setyembre ng nakaraang taon, sinabi ng Estados Unidos na plano nitong magbigay sa Pilipinas ng P13.8 billion para tumulong palakasin ang ‘health management, serbisyo, at pagtugon sa mga sakit.’ KRIS JOSE